TV

Andrea Del Rosario, binalikan ang pagkikita nila noon ni Vin Diesel

By Maine Aquino

Muling napag-usapan ang pagkaka-link ng aktres na si Andrea Del Rosario sa Hollywood actor na si Vin Diesel.

Ilang taon na ang nakalipas mula nang maging usap-usapan sa showbiz na nagkaroon ng ugnayan sina Andrea at Vin.

Nilinaw naman ito ni Andrea nang siya ay mag-guest sa Sarap, 'Di Ba? Tanong ni Carmina Villarroel sa segment na "Trip to the Hotseat" kay Andrea, "Totoo bang nagkaroon kayo ng relasyon ng Hollywood actor na si Vin Diesel?"

PHOTO SOURCE: Sarap, 'Di Ba?

Tugon ni Andrea, "Wala po."

Paliwanag ng aktres, nagkakilala sila ng Hollywood actor sa isang bar.

"One time we went to a Hollywood bar, nandoon siya. Kasama ko si Michelle Bayle, kasama ko siya, umiikot kami ng bar. Lumapit sa akin 'yung bodyguard, 'He wants to meet you.' Gumanoon siya."

Ayon pa kay Andrea ay inimbitahan rin siya nito sa kanyang bahay. Ngunit binigyang diin niya na grupo silang tumungo sa bahay ni Vin.

"So ayun, he invited us to his house. Can I clarify? Kasi nagla-lights off ng 2:00 am tapos sabi niya 'Would you like to join us with the whole group?' It's a big group of people at his house in Beverly Hills."

Ikinuwento rin ng aktres na muli siyang inimbitahan nito sa kanyang bahay at ipinapahiram pa sa kanya ang kotse ni Vin.

"Nag-invite siya ulit, 'You can borrow my car.'"

"But I don't drive here," sagot naman ng aktres.

Panoorin ang kuwento ni Andrea rito:

SAMANTALA, BALIKAN ANG REST HOUSE NI ANDREA SA BATANGAS: