TV

Donita Nose, sinukuan nga ba ang pagkakaibigan nila ni Tekla?

By Maine Aquino

"Totoo bang may point na sinukuan mo na ang pagkakaibigan ninyo ni Tekla at pawang professional relationship na lang ang mayroon kayo?"

Ito ang naging tanong kay Donita Nose ng Sarap, 'Di Ba? host na si Carmina Villarroel nang umupo sa hot seat ang kilalang comedian nitong September 9.

Natawa man si Donita ay sinagot niya naman ang controversial question na ito.

Saad ni Donita, "Honest ako. Dumating sa point."

PHOTO SOURCE: @donitanose

Paliwanag ni Donita, napanood naman ng kanilang followers na nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ni Tekla.

"Kinausap ko 'yun actually, nasa vlog namin 'yun. 'Yung umiyak na talaga ako. Sobrang wala, desperado na ako na parang hindi ko na alam ang gagawin ko sa kanya."

"Sumuko talaga ako that point. Siguro mga ano rin, nine months kaming 'di nag-usap," dugtong ni Donita.

Ayon kay Donita ngayon ay maayos na sila ngayon ni Tekla.

"Okay naman na kami. Siya kasi medyo 'yung utak talaga noon minsan ganoon e. Minsan nawawala, nagaganito, nagaganyan."

Inilahad rin ni Donita na gusto niya talagang matulungan ang kaibigan.

RELATED GALLERY: IN PHOTOS: Triumphs and challenges of Super Tekla

"Ako 'pag gusto ko siyang ayusin, to the point na kaya ko naman at kaya kong tumulong, kaya ko siya pagsabihan, ginagawa ko naman. Pero kung 'yung tao kasi hindi na talaga kaya 'yung mga sinasabi ko talagang bibitaw ka."

Ayon pa sa comedian, nag-reach out si Tekla para magkaayos na sila muli at ngayon ay magkatrabaho na rin sila sa mga shows.

"Okay kami. Siya naman nag-reach out. Sabi niya ''Te halika na mag-vlog na tayo ulit. Kakatapos lang ng tour namin, 'yung Canada. May upcoming shows pa kami na magkasama."

Inamin rin ni Donita na una niyang sinabi na maging professional na lang sila ni Tekla para sa kanilang trabaho bilang mga komedyante. Pero naniniwala raw siyang kailangan may maganda silang relationship bilang magkaibigan.

"Minsan nga sinasabi ko sa kanya na maging professional na lang tayo, parang ganoon trabaho lang tayo. Pero hindi pa rin e. Hindi mo pa rin talaga magagawa nang tama 'yung trabaho ninyong dalawa kung mayroong namamagitan sa inyo na parang trabaho lang 'to.

"Mas maganda 'yung parang magkaibigan tayo, gawin natin ito," pagtatapos ni Donita.