TV

Cast ng 'Lilet Matias, Attorney-At-Law,' makikisaya sa 'Sarap, 'Di Ba?'

By Maine Aquino

Isang masaya at exciting na Saturday morning ang mapapanood sa April 20 sa Sarap, 'Di Ba?

Sa Sabado, makakasama nina Carmina Villarroel, Mavy, at Cassy Legaspi ang cast ng Lilet Matias, Attorney-At-Law na sina Jo Berry, Rita Avila, Glenda Garcia. Makikisaya rin sa Sabado ang comedian na si Boobsie Wonderland para sa isang fun summer party.

PHOTO SOURCE: Sarap, 'Di Ba?



Sasabak sa exciting morning na puno ng fun challenges at intriguing revelations. Alamin ang mga aaminin ni Jo at Boobsie sa Sabado.

Maghahanda naman sina Carmina, Jo, Glenda, at Rita ng masarap na dish na perfect for family and barkada bonding.

Abangan ang exciting na episode na ito sa Sarap, 'Di Ba? sa April 20, 10:30 a.m. sa GMA Network at Pinoy Hits.

Mapapanood din ang Sarap, 'Di Ba? via livestream sa gmanetwork.com/kapusostream at sa YouTube channels ng GMA Network at Adventure. Taste. Moments.

Huwag magpahuli at sumali sa Sarap Manalo Promo tuwing Sabado sa Sarap, 'Di Ba?