TV

READ: Paano nalaman nina Mavy at Cassy Legaspi na anak sila ng celebrities?

By Maine Aquino

Personal natinanong ni Carmina Villarroel ang kambal niyang anak na sina Mavy at Cassy Legaspi kung paano nila nalamang artista ang kanilang mga magulang.

Sinagot ito ng kambal sa media conference ng bagong show nila kasama ang kanilang ina, ang Sarap, Di Ba? na ginanap kagabi, October 16.

Ayon kina Mavy at Cassy, may ilang mga pangyayari sa kanilang buhay na naisip nilang sila ay anak ng celebrities na sina Carmina at Zoren Legaspi.

Pag-alala ni Mavy, "Actually, I think we were five years old na, when we were visiting your set sa Sis. Akala ko, 'Oh, it's just mom's work. She's just working on stage.' Akala ko it's not televised or anything."

Para kay Cassy naman, inakala raw niya noon na ang pagko-costume ay parte ng trabaho ng kanilang mga magulang.

Saad niya, "Ako much older pa. Kasi, akala ko naka-costume."


Inalala ni Carmina ang panahong naka-costume ng Mulawin ang kanyang asawa na si Zoren Legaspi.

"Si Zoren ibon noon. So naka-yellow eyes siya, pati 'yung makeup niya. So, ano akala mo kay tatay, ibon?" natatawang tanong ni Carmina kay Cassy.

Hindi rin napigilan ni Cassy na matawa habang sinasagot ang kanyang ina.

Aniya, "Akala ko work lang niya, but I didn't know that was being an artista.

“Akala ko ibon siya, 'yun 'yung trabaho niya."

Tinanong rin ni Carmina kung ang pagpapa-picture ba ng fans ay naging daan rin para malaman ng kambal na artista ang kanilang mga magulang.

Kinumpirma ni Mavy na ito nga ang naging paraan para matuklasan niya na anak sila ng celebrities.

Kuwento niya, "That's why na-realize ko na you're in this industry because of the nagpapa-picture like, approaching you sa mall."

Kilalanin pa nang husto si Carmina at kanyang twins na si Mavy at Cassy sa Sarap, Di Ba? tuwing Sabado ng umaga, simula October 20, sa GMA Network.