TV

Carmina Villarroel, ayaw matawag na stage mom nina Mavy at Cassy Legaspi

By Maine Aquino

Isa sa mga napag-usapan sa ginanap na media conference ng Sarap, 'Di Ba? ay kung maituturing bang stage mom si Carmina Villarroel sa kanyang mga anak. Dito ay ipinaliwanag niya kung bakit hindi niya gusto ang term na "stage mom" sa celebrity parents na may anak na pumasok sa showbiz.

Paglilinaw ni Carmina, "Ayokong tawaging, I don't want to call it stage mom, stage dad. We are just they're parents. We are just supportive parents. I think that's the right term na kailangan gamitin doon sa mga magulang na artista sa mga anak nilang artista whenever they support or they cheer for their kids."

Dagdag pa niya na hindi maiiwasan na maging supportive ang celebrity parents. Dahil may negative connotation umano ang term na stage mom, mas pinili niyang tawaging isa siyang supportive mom kina Mavy at Cassy.

"I'm sure 'yung mga ibang mommies diyan kapag 'yung anak din nila nasa showbiz, nandun din sila 'di ba? makiki-cheer, makiki-ganyan. 'Yun nga eh medyo merong hindi lang magandang connotation 'yung stage mom eh di ba? So gusto ko lang siya na palitan na supportive mom. Hindi na mawawala sa akin 'yan eh, talagang makulit ako," natatawang pagtatapos ni Carmina.