TV

WATCH: Mavy at Cassy Legaspi, nagpasalamat sa mga nanood ng 'Sarap, 'Di Ba?'

By Maine Aquino

Puno ng pasasalamat ang Legaspi twins sa mga nag-enjoy sa kanilang first episode ng Sarap, 'Di Ba?

Sa pamamagitan ng isang vlog ay nagpaabot ng pasasalamat sina Mavy at Cassy Legaspi sa tagasuporta ng kanilang weekly program kasama ang kanilang ina na si Carmina Villarroel. Inanyayahan rin ng kambal na muling subaybayan ang Sarap, 'Di Ba? ngayong October 27 dahil magkakaroon sila ng Halloween party. Makakasama nila ang Kapuso personalities na sina Kyline Alcantara at Andre Paras.

Sama na sa unli kuwentuhan at weekend bonding ngayong Sabado, bago mag-Eat Bulaga!