TV

WATCH: Mavy at Cassy Legaspi, may wedding anniversary surprise kay Carmina Villarroel

By Maine Aquino

The show must go on pa rin kay Carmina Villarroel kahit sa 6th wedding anniversary nila ni Zoren Legaspi.

READ: Carmina Villarroel reminisces about surprise mob wedding with Zoren Legaspi on their anniversary

Para maging espesyal ang araw na ito para kay Carmina, hinandaan siya ng isang sorpresa ng kaniyang mga anak na sina Mavy at Cassy Legaspi habang sila ay nasa set ng kanilang weekend show na Sarap, 'Di Ba?

Kitang-kita na na-touch si Carmina sa sweet gesture ng kambal para sa kanilang espesyal na araw.

Panoorin ang sorpresa na naganap sa Sarap, 'Di Ba?