TV

Sarap, 'Di Ba?: Ano ang ibig sabihan ng pagiging sexy para sa DerBie at kay Divine Tetay?

By Aedrianne Acar

Napuno ng tawanan ang Sarap, 'Di Ba? last Saturday, November 17, dahil bumisita ang ilan sa mga iniidolo ninyong Kapuso stars na sina Barbie Forteza, Derrick Monasterio at ang comedian na si Divine Tetay.

Sa one-on-one chikahan nila kasama si Carmina Villarroel, tinanong niya ang tatlo kung ano ang ibig sabihin para sa kanila ng salitang 'sexy.'

Ayon kay Derrick, mas sexy ang isang tao kung matalino ito. Tugon niya, “Sexy is intelligence. For me, being sexy is to be smart. Mas maganda 'yung, may alam din.”

Parehas naman ang naging sagot nina Barbie Forteza at Divine Tetay na sexy para sa kanila ang taong may 'sense of humor.'

Paliwanag ni Divine Tetay, “Like what you said it's not about like having the whistle bait figure [or] hour glass figure not that. Hindi kasi di ba pag sinabing sexy, for me like what you said 'yung sense of humor, it's all in the mind.”

“Like even if you're not that super sexy, when you think and you feel that you are sexy. You are sexy!”

Napasabak din sina Barbie at Divine sa pag-impersonate sa 'Queen of All Media' na si Kris Aquino.

Sino kaya sa dalawa ang nag-wagi sa pag-impersonate kay Kris?