TV

WATCH: Jennylyn Mercado surprised by the success of her cookie business

By Maine Aquino

Instant success ang cookie business na itinayo ni Jennylyn Mercado.

Sa kanyang pagbisita sa Sarap, 'Di Ba?, ibinahagi niya ang kaniyang pinagdaanan para sa cookie brand niyang Chunky Dough.

Kuwento ni Jennylyn kay Carmina Villarroel, cookies ang kanyang napiling produkto dahil ito ay madaling gawin.

"'Yung cookies 'yung pinakamadaling i-bake.

“'Tapos sabi ko sa kanya [Becky Aguila, Jennylyn's manager], gusto ko siya talagang gawing business.

“Mag-start muna ako online para lang to test. Hindi namin inexpect na sobrang daming response, ang daming orders. Ayun napagod na ako,”" natatawang saad ng Kapuso actress.

Inamin naman ni Jennylyn na ngayon ay inaabot na sa 700 to 800 pieces ang kaniyang orders kaya kinakailangan niyang gumising ng madaling araw para magawa ang homemade cookies.


"Every Sunday ako nagbi-bake ng 2 a.m. Ang order namin sa isang araw umaabot ng 700 to 800 so medyo kailangan gumigising ka ng madaling araw. 'Tsaka kumuha na rin ako ng assistant."

Isa sa mga itinanong ni Carmina ay ang kakaibang size ng Chunky Dough kumpara sa ibang cookies na nabibili sa market.

Ayon kay Jennylyn, sadya itong ginawa para mag-stand out sa ibang homemade cookies.

"Kasi dito sa Philippines wala naman talagang malalaking cookies na nagbebenta.

“Usually 'yung regular size... Tapos sabi ko para lang maiba, mas malaki tapos chewy, 'tapos puwede nila i-heat kasi, umaabot siya ng 2 weeks basta ilalagay lang nila sa freezer para ma-preserve."

Panoorin ang kabuuan ng kuwentuhan nina Carmina at Jennylyn sa Sarap, Di Ba?: