TV

WATCH: Mavy at Cassy Legaspi, muling maglalaban sa 'Sarap, 'Di Ba?'

By Maine Aquino

Ngayong July 13, may bagong sarap cook-off sina Mavy at Cassy Legaspi sa Sarap, 'Di Ba?

Pagkatapos ng dessert cook-off last week, may isa nanamang bagong dish na kailangang ihanda ang kambal ni Carmina Villarroel.

Sa challenge na ito makakasama naman nina Mavy at Cassy sa kusina ang comedians na sina Nura at Ate Velma bilang kanilang mga kakampi.

Bukod sa cook-off ay dapat abangan rin ang guest this Saturday. Dadating ang Asia's Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose para sa isang espesyal na song number.

Abangan ang lahat ng ito sa Sarap, 'Di Ba? this Saturday at 10:45 a.m.