TV

LOOK: Cassy Legaspi, nagpa-practice na para sa upcoming Sarap Cook-Off

By Maine Aquino

Ipinakita ni Cassy Legaspi na seryoso siya sa pagpapakita na nagi-improve ang kanyang cooking skills sa Sarap, 'Di Ba?

Cassy Legaspi

Sa Instagram stories, ipinasilip ni Cassy ang kanyang experiment na ginawa sa kanilang bahay. Ayon sa kanyang post, "I'm currently experimenting on different dishes and creating recipes. Can you believe there's only 2 teaspoons of brown sugar?"


Nitong nakaraang Linggo, ipinakita rin ni Mavy Legaspi na naghahanda rin siya sa kanilang upcoming challenges sa show. Siya ay nagluto ng isang pasta dish at ibinahagi na siya ay nagpa-practice para sa Sarap Cook-Off.

LOOK: Mavy Legaspi, may pinaghahandaang challenge

Painit na nang painit ang laban sa kitchen! Abangan ang upcoming Sarap Cook-Off episodes ng Legaspi twins every Saturday at 10:45 a.m. sa Sarap, 'Di Ba?