TV

WATCH: Carmina Villarroel, may K-Pop birthday party ngayong Sabado!

By Maine Aquino

Mapupuno ng K-Pop saya at sorpresa ang Sabado ng umaga sa Sarap, 'Di Ba?

Sarap 'Di ba


Ngayong August 17, ang host at main girl na si Carmina Villarroel ay bibigyan ng isang masayang K-Pop birthday celebration. Makakasama niya sa espesyal niyang araw ang mga kaibigan niya na sina Gelli de Belen, Candy Pangilinan at Aiko Melendez.

Makikisaya rin sa K-Pop party na ito sina Boobay at Tekla, kaya sama na sa birthday celebration ni Carmina ngayong Sabado, 10:45 a.m. sa Sarap, 'Di Ba?