TV

Chynna Ortaleza, ibinahagi kung bakit excited siya sa nesting

By Maine Aquino

Puno ng nakakatuwang kuwento tungkol sa celebrity moms na sina Chynna Ortaleza at Solenn Heussaff ang napanood sa Sarap, 'Di Ba? nitong September 14.

Ibinahagi ni Chynna na sa una ay masaya na sila ng kanyang asawa na si Kean Cipriano sa pagkakaroon ng anak na si Stellar. Pero ikinagulat umano nila na masundan ito agad.

"Sabi ko kay Kean I'm good with one child and then he's also alright you know. It's fine," saad ng Idol sa Kusina host.

Dahil umano sa nangyari sa ama ni Chynna na-realize niya na importante na magkaroon ng kapatid si Stellar. Ani ni Chynna, "My dad had an attack last year so I realized how important it is to have a sibling. After namin mag-decide na maybe we can try, probably, maybe this year, we don't know. Hala, agad!"

READ: Chynna Ortaleza mourns the loss of her dad

Ibinahagi rin ni Chynna na excited siya na mag-nest o ang preparation na ginagawa ng mga mommies sa pagdating ng baby. Si Kean ay confused naman daw dahil ayaw kumain ni Chynna pero gustong gusto niya sa hardware store.

"Ang pinaka-excited akong gawin the whole time is to nest. To the point na I don't know why my baby is puyat and why my baby likes concrete and paint."

Natatawang dagdag ni Chynna, "I don't know kung ano ang ilalabas ko."

Panoorin ang kuwento ni Chynna at pati na rin ni Solenn sa Sarap, 'Di Ba?