TV

WATCH: Joel Cruz shares exclusive tour of his white house in Baguio

By Maine Aquino

Sa loob ng Camp John Hay matatagpuan ang white mansion ng Lord of Scents na si Joel Cruz.

Pinatuloy ni Joel ang Sarap, 'Di Ba? para sa isang exclusive tour ng kanyang mansion. Ayon kay Joel ito ay isang 3,000-square meter building na may apat na levels at glass tower.

Ang kanyang bahay umano ay isa na ring tourist attraction sa Camp John Hay.

Ibinida rin ni Joel ang kanyang Christmas decorations at kanyang interior na siya mismo ang nagdisenyo. Isa rin umano sa talk of the town ng kanyang bahay ay ang chandelier na mula pa sa Italy.

Panoorin ang kabuuan ng kanyang exclusive tour sa Sarap, 'Di Ba?