
Hindi napigilan ni Carmina Villarroel na sumigaw nang malaman niyang nag-guest si Lea Salonga sa kanyang live birthday streaming.
Ayon kay Carmina, matagal na niyang idolo si Lea.
"I'm not ready, I'm not ready! Oh my gosh, wait I have to scream!"
Saad naman ni Lea, "Happy birthday to you!"
Nang bahagyang kumalma si Carmina, nagpasalamat siya sa pagbati ni Lea.
"Ms. Lea Salonga, thank you so much! Second birthday ko na 'to na sinurprise mo ako!"
Dagdag pa ni Carmina, "'Yung blush on ko parang nag-times two sa pink."
Ayon kay Carmina, lalo siyang naging appreciative sa kanyang fans dahil alam niya ang pakiramdam ng isang fan.
"Because of you mas na-appreciate ko 'yung mga fans ko because alam ko 'yung feeling nila because 'yun 'yung nararamdaman ko towards you."
Winish umano ni Carmina na makasama si Lea sa live video pero sinabi niyang huwag na ito ituloy dahil hindi niya alam ang kanyang mga dapat sabihin.
"Ang wish ko ikaw, pero sabi ko 'wag na lang kasi I dont know what to say."
Saad pa ni Carmina, "Thank you so much. Thank you from the bottom of my heart. You really made me happy."
Ipinakilala rin ni Carmina ang kanyang buong pamilya na sina Zoren Legaspi, Mavy at Cassy Legaspi kay Lea.
Panoorin ang nakakatuwang tagpo na ito sa video ni Carmina.
Carmina Villarroel, muntik nang makarelasyon si Piolo Pascual
Carmina Villarroel, may vlog ng 'Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition'