TV

WATCH: Legaspi family, sinubukan ang Cookie Roulette Challenge

By Maine Aquino

Fun and exciting family game ang napanood nitong November 7 sa Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition.

Sa episode na ito, kumasa sina Carmina Villarroel, Mavy, Cassy, at Zoren Legaspi sa masayang Cookie Roulette Challenge.

Photo source: Sarap Di Ba?

Ang mechanics ng game na ito ay kailangan mag-blindfold ng player at ituro lamang kung ano ang napiling dip sa table. Iga-guide sila ng kanilang mga kasamahan para makapag-dip ng cookie at titikman ito. Ang mananalo ay kung sino ang makapili ng milk dip.


Hindi lang Legaspi family ang humarap sa fun challenge dahil kumasa naman sa Sarap Diba-lympics sina Ate Velma at Krissy Achino. Sila ay naglaban sa Bulak-ball challenge, Gelo flip challenge, at ang tawid bola ihip challenge.


Abangan ang iba pang fun family activities ng Legaspi family sa Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition tuwing Sabado ng umaga sa GMA Network.


Trending TikTok couple, fun exercise, and more sa 'Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition'

Legaspi family, nag-reminisce ng kanilang Japan adventure