
Sa Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition, ipinakita ng Legaspi family kung paano mag-celebrate ng Pasko in a fun and safe way.
Nitong November 21, nagkaroon sila ng Quarantine Kris Kringle. Para gawin ang quarantine Kris Kringle ay kailangang magbunutan nina Carmina Villarroel, Mavy, Cassy, at Zoren Legaspi ng mga pangalan ng kanilang reregaluhan.
Pagdating sa regalo, hindi sila puwedeng lumabas o um-order online. Hahanap lang sila ng items sa kanilang bahay na puwede nilang iregalo sa isa't isa.
Ipinakita nina Carmina, Mavy, Cassy, at Zoren ang kanilang ginawang paghahanap na regalo sa kanilang bahay. Pagkatapos nito, ibinahagi nila sa isa't isa kung bakit nila ibinigay ang regalong 'yun sa kanilang nabunot na pangalan.
Panoorin ang masayang Kris Kringle ng Legaspi family sa Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition.
Sarap, 'Di Ba?: Banana Peanut Butter and Strawberry Jam Cookies recipe | Bahay Edition
Sarap, 'Di Ba?: Nar Cabico shares his adventurous US trip | Bahay Edition
Sarap, 'Di Ba?: Nar Cabico and Robin Nievera jam in Las Vegas, Nevada | Bahay Edition