Article Inside Page
Showbiz News
Alamin ang mga tanong nina Mavy at Cassy Legaspi kay Barbie Forteza pagdating sa relationships.
Ilang helpful relationship tips ang ibinigay ni Barbie Forteza kina Mavy at Cassy Legaspi nang siya ay maging guest nitong February 6 sa Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition.
Sa episode na ito sinagot ni Barbie ang mga tanong sa kanya ng Legaspi twins tungkol sa kanilang relasyon ni Jak Roberto pati na rin ang iba pang mga dapat alamin sa pagpasok sa isang relationship.
Isa sa kanilang inalam ay kung paano sinabi ni Barbie na sila ay magkarelasyon na sa kanyang mga magulang.
Photo source: Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition
Kuwento ni Barbie, magkasama sila ni Jak na humarap sa kanyang magulang para ipaalam ang estado ng kanilang relasyon.
“Sabay kami ni Jak na nagsabi sa parents ko. In-invite pa namin silang mag-dinner tapos after dinner namin sinabi.”
Ayon kay Barbie, ang ginawang ito ni Jak ay magandang gesture sa kanyang mga magulang.
“Para sa akin ano naman 'yun, manly move para kay Jak na magkasama kaming nagsabi. Para sa akin, best way para ma-win mo ang puso ng mga magulang ng iyong nililigawan ay talagang suyuin din sila katulad ng ginawa ni Jak.”
Payo pa ni Barbie kina Mavy at Cassy, “Kailangan magkasama kayo na magsabi doon sa parents niya na kayo na, mag-boyfriend girlfriend na kayo. Para din formal hindi 'yung via text lang 'di ba? Hindi naman maganda 'yun.”
Inalam naman ni Mavy kung paano masusuyo at mapapa-oo ang isang babae.
Kuwento ni Barbie kay Mavy, “Ang tip ko para sa 'yo, alamin mo 'yung hilig ng girl; kung saan siya mahilig. Kung katulad ko mahilig siya sa pagkain, ipagluto mo. Kung mahilig siya sa libro, alamin mo kung sino favorite author niya tapos bilihan mo ng libro. 'Yung mga ganong simpleng bagay.”
Dugtong pa ni Barbie, hindi importante ang presyo ng isang bagay kung hindi kung ito ay pinag-isipan at pinaghandaan para sa kanya.
“Para sa aming mga babae hindi naman magma-matter kung mamahalin ba 'yan o imported. Mas mahalaga sa amin na personal 'yung regalo; 'yung talagang pinag-isipan. 'Yung talagang alam ng girl na para sa kanya talaga 'yung regalo.
Pagdating sa crushes, walang masama rito para kay Barbie. Kuwento niya kina Mavy at Cassy, “As long as hindi naman seryoso at hanggang crush lang naman parang I don't see anything wrong.”
Ang huling itinanong naman ni Cassy kung kailangan ba ng rules pagdating sa first date.
Diretsong sagot sa kanya ni Barbie, “Definitely. Lalo na para sa 'yo Cassy dahil ikaw ang girl, dapat talaga may rules.”
Dugtong ni Barbie, importanteng kilalanin maigi ni Cassy ang isang lalaki.
“Huwag muna masyadong give na give. Ang maganda sa first date doon makikilala unti-unti 'yung guy. Kung gentleman ba siya. Kailangan keep your eyes open kailangan observant ka, pero huwag ka namang judgmental. Dapat umayon siya sa ano'ng gusto mong flow ng date ninyo ganyan.”
“Basta para sa akin, bago pa kayo umabot sa first date dapat e medyo kilala ka na niya para alam niya ang hilig mo. Para alam niya ang flow ng inyong first date.”
Sa huli ay pinaalalahanan ni Barbie na dapat siguraduhin ni Cassy na maging gentleman ang makaka-date niya.
“Make sure na gentleman 'yung ka-date mo at hindi mag-take advantage sa 'yo.”
Panoorin ang kabuuan ng kanilang kuwentuhan sa
Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition.
IN PHOTOS: 20 times Mavy Legaspi made us swoon
IN PHOTOS: Cassy Legaspi's stylish looks