
Sa Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition ay nagbigay ng mini house tour si Ken Chan para ipakita ang kaniyang iba't ibang mga pets.
Ipinakilala ni Ken ang kanilang African Grey Parrot na si Pasha at Sun Conure Parrot na si Ivar.
Ayon kay Ken, matatalino ang kaniyang mga alaga.
"They can learn up to 1000 words."
Pagdating sa tirahan ng kaniyang mga pets, pinili ni Ken na huwag ilagay ang mga ito sa cage.
Saad ng aktor, "Hindi namin sila nilalagay sa cage dahil gusto namin nakakalipad sila freely kung saan nila gusto at para napa-practice ang pakpak nila."
Photo source: Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition
Ang kanilang tirahan ay nagsisilbing playground na rin kasama ang kanilang dalawang turtles na sina B1 and B2.
Bukod sa mga parrot at turtle, mayroon ring guppy fish or rainbow fish sina Ken sa kanilang bahay.
Panoorin ang cute na pets nila Ken sa video.
Samantala, nagturo rin si Ken ng isang Asian dish na easy to prepare at siguradong magugustuhan ng mga Pinoy.
Ang pamilya naman nina Carmina Villarroel, Mavy, Cassy, at Zoren Legaspi ay humarap sa isang challenge ngayong Linggo.
Abangan ang iba pang masasayang episodes ng Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition tuwing Sabado ng 10:00 a.m. sa GMA Network.
Legaspi family, ipinakita kung paano sila mag-bonding sa kanilang rest house sa Batangas