TV

Ken Chan, paano naiiwasan ang lungkot at anxiety ngayong quarantine?

By Maine Aquino

Aminado si Ken Chan na hindi madali para sa kaniya ang nangyayaring quarantine dahil sa COVID-19.

Kuwento ng Kapuso actor sa Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition, hindi lamang siya kung hindi marami rin ang naapektuhan ang mental health ngayong quarantine.

"Hindi po talaga madali 'yung pinagdadaanan natin ngayon because of the pandemic.

Photo source: @akosikenchan

"Talagang madaming nade-depress, nagkakaroon ng anxiety, nalulungkot sa mga nangyayari because of COVID-19."

Ayon kay Ken, nakatulong sa kaniyang mental health ang suporta ng kaniyang pamilya. Sila ang naging support system ni Ken sa mga pagsubok na dala ng COVID-19.

"Isa po talaga sa nakatulong sa akin para maiwasan ko ang depresyon, ang lungkot, at anxiety 'yung family ko po talaga.

Dugtong pa ng Sing For Hearts judge at Ang Dalawang Ikaw actor, "Sila 'yung support system ko. Sabay-sabay kaming kumakain at gusto rin namin laging nanonood ng mga series, movie time kahit abutin kami ng madaling araw."

Nagpasalamat si Ken dahil sa gitna ng panganib at pagsubok ngayong quarantine ay ligtas ang kanilang pamilya.

"Nakatulong 'yun para maiwasan namin yung lungkot at kahit papaano araw-araw nakakapag-survive naman po kami awa ng Diyos."

Ken Chan fulfills 10-year promise to mom

Ken Chan, ipinakilala ang kaniyang pets sa isang mini house tour