TV

Alfred at Yasmine Vargas, makaka-bonding ng Legaspi family

By Maine Aquino

Masayang episode ng Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition ang mapanonood ngayong Sabado, September 18.

Makaka-virtual bonding ng Legaspi family ang celebrity couple na sina Alfred at Yasmine Vargas.

Photo source: Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition

Mapapanood rin ang paghahanda nina Carmina Villarroel, Mavy, Cassy, at Zoren Legaspi ng kanilang mga paboritong coffee-based, chocolate-based, fruit and vegetable-based drinks sa Casa Legaspi.

Dapat rin abangan ang episode na ito dahil may pagkakataong manalo ang lucky viewers sa Sarap 'Di Ba 5k giveaway at sa GMA All-Out Pop Quiz Panalo.

Tutok na ngayong September 18, 10:00 a.m. sa GMA Network.

RELATED CONTENT:

Sarap, 'Di Ba? Bahay Edition: Brianna, Angela Alarcon, at Sandro Muhlach's house tour