TV

Fitness tips, online selling, at masarap na recipe, mapapanood sa 'Sarap, 'Di Ba?'

By Maine Aquino

Kaabang-abang ang Saturday morning bonding na handog ng Sarap, 'Di Ba? ngayong December 4.

Sa episode na ito, makakasama nina Carmina Villarroel, Cassy, at Zoren Legaspi ang Kapuso stars na sina Valeen Montenegro at Lovely Abella.

Si Lovely na kilala rin bilang isang online selling diva ay magtuturo ng kaniyang sikreto sa online selling. Mapapanood din ngayong Sabado ang Pa Mine 'Di Ba Online selling challenge kung saan ang hosts at guests ay susubukang magbenta ng unique items tulad ng toilet bowl plunger, urine pot, coals, and hollow blocks.

Ang fitness idol naman na si Valeen ay magbibigay ng tips for a fit and healthy body. Plus, enjoy the hula hoop challenge na haharapin nina Lovely, Valeen, and Cassy.

Photo source: Sarap, 'Di Ba?

Ang Kapuso couple na sina Zoren and Carmina ay maghahanda naman ng simple and healthy Steamed Fish with Sweet and Sour Sauce dish.

Kaabang-abang din ang episode na ito dahil may pagkakataong manalo ng PhP 5000 sa Sarap, 'Di Ba? 5k Giveaway promo.

Tutok na sa Sarap, 'Di Ba? ngayong December 4, 10:00 a.m. sa GMA Network.