TV

Lexi Gonzales at Royce Cabrera, sasabak sa ilang challenges na inihanda ng 'Sarap, 'Di Ba?'

By Maine Aquino

Ngayong Sabado (January 29), may exciting na challenges at activities na inihanda si Carmina Villarroel para sa kaniyang mga guests sa Sarap, 'Di Ba?

Sa darating na Sabado, makakasama niya sina Lexi Gonzales at Royce Cabrera. Mapapanood din sa episode na ito sina Direk Phillip Lazaro, Atak, at Beki Velo.

Photo source: Sarap, 'Di Ba?

Kakasa kaya sila sa inihandang TikTok challenge ng Sarap 'Di Ba? May inihanda rin Pasa-lods Challenge at The Quick Change Closet Challenge na tiyak na magpapaligaya ng inyong Sabado.

Samantala, sa Sarap, 'Di Ba? kitchen mapapanood natin si Carmina na maghanda ng quick and easy dish para sa buong pamilya.

Abangan ang episode na ito ngayong Sabado para sa masayang weekend bonding at pagkakataong manalo ng PhP 5000 sa Sarap, 'Di Ba?, 10:00 a.m. sa GMA Network.