TV

Sarap, 'Di Ba?: Hannah Precillas, Jeniffer Maravilla, EJ Salamante, at AJ Tamiza, nagtapatan sa biritan challenge

By Maine Aquino

Isang masayang kantahan, kuwentuhan at kainan ang napanood nitong May 14 sa Sarap, 'Di Ba?

Sa episode na ito, nakasama nina Carmina Villarroel, Mavy at Cassy Legaspi ang Kapuso Divas na sina Hannah Precillas and Jennifer Maravilla at ang mga singer comedians na sina EJ Salamante and AJ Tamiza.

Photo source: Sarap, 'Di Ba?

Sila ay nagtapat sa fun biritan challenge ng Sarap, 'Di Ba? Nakasama rin nila si Ann Gabriel na NCAA Season 97 courtside reporter para magbigay ng detalye sa kanilang nakakatuwang mga challenge.

Sa Sarap, 'Di Ba? kitchen, nagluto naman ng Ginataang Langka sina Carmina, Mavy, at Cassy.

Abangan ang iba pang mga masasayang mga episodes ng Sarap, 'Di Ba? every Saturday sa GMA Network.

Kung hindi mo man ito mapanood on TV, maaaring i-stream ang full episodes ng serye at ng iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.