TV

Bibo at talented na bagets, maaari na mag-audition online para sa 'PaKidSTARan' ng 'Sarap, 'Di Ba?'

By Maine Aquino

Happy peeps at mga happy nanays, ito na ang pagkakataon na bumida ang inyong mga anak sa Sarap, 'Di Ba?

Sa mga bibong bata na edad seven to 12 years old, ipakita lamang ang natatanging talento para makasali sa PakidSTARan. Ang talento ay maaaring sa pagkanta, pagsayaw, o unique talent.

Para sumali, bisitahin lamang ang official Facebook page ng Sarap, 'Di Ba? at i-submit ang inyong audition video as Facebook message..

Patuloy rin na tumutok sa Sarap, 'Di Ba? tuwing Sabado, 10:00 a.m. sa GMA Network.