
May espesyal na episode ang Sarap, 'Di Ba? ngayong August 20 dahil may birthday celebration na inihanda para sa happy nanay na si Carmina Villarroel.
This weekend, makakasama ni Carmina ang kaniyang buong pamilya sa Sarap, 'Di Ba? Mapapanood sa episode na ito ang performance nina Cassy at Mavy Legaspi kasama si Tatay Zoren Legaspi.
PHOTO SOURCE: Sarap, 'Di Ba?
Mapapanood naman bilang hosts sa birthday episode na ito sina Camille Prats at Boobay. Sila rin ang in-charge this weekend sa Sarap, 'Di Ba? kitchen para sa isang espesyal na dish.
Abangan ang masayang birthday episode na ito ngayong August 20, sa Sarap, 'Di Ba?