TV

Magbabalik na ang 5K Giveaway ng 'Sarap, 'Di Ba?'

By Maine Aquino

Muling mamimigay ng papremyo sa mga Happy Peeps ang Sarap, 'Di Ba?

Simula ngayong September 17, magbabalik na ang pamimigay ng PhP 5,000 ng Sarap, 'Di Ba? sa 5K Giveaway Promo.

PHOTO SOURCE: Sarap, 'Di Ba?

Para makasali, ihanda lamang ang mga cellphone ninyo at ang selfie skills habang nanonood ng Sarap, 'Di Ba? Ang criteria para manalo sa Sarap, 'Di Ba? 5K Giveaway ay creativity 50 percent, projection 30 percent at ang overall appeal ay 20 percent sa pag-selfie kasama sina Carmina Villarroel, Mavy, at Cassy Legaspi.


Para sa kabuuang detalye, panoorin lamang ang Sarap, 'Di Ba? ngayong September 17, 10:00 a.m. sa GMA Network!

DTI Fair Trade Permit No. FTEB-150264 Series of 2022