
Ang masayang bukingan at kulitan nina Carmina Villarroel at Lianne Valentin ay mapapanood na ngayong September 16 sa Sarap, 'Di Ba?
Sa Sabado, bibisita ang dating co-star ni Zoren Legaspi sa Apoy sa Langit na si Lianne para makigulo sa Sarap, 'Di Ba? Si Lianne ay makakatambal ni Mavy Legaspi sa ilang masasayang games this weekend morning.
PHOTO SOURCE: Sarap, 'Di Ba?
Kasama rin ngayong Sabado sina Boobay at Prince Clemente para sa makulit na umaga. Mapapanood din sa Sarap, 'Di Ba? ang nakakakilig na tambalan nina Cassy at Mclaude Guadaña.
Abangan ang masayang umagang hatid ng Sarap, 'Di Ba? tuwing Sabado, 10:00 a.m. sa GMA Network at sa Kapuso stream sa Sarap, 'Di Ba? Facebook page at sa GMA Network YouTube channel. Mapapanood din ang Sarap, 'Di Ba? sa Pinoy Hits Channel 6 na available sa GMA Affordabox at GMA Now.