
Ikinagulat ni Lianne Valentin ang tanong ni Carmina Villarroel na "Totoo bang nagkarelasyon kayo ni Zoren?"
Itinanong ito ni Carmina sa unang beses na pag-guest ni Lianne sa Sarap, 'Di Ba?
Si Lianne ay nakatambal ang asawa ni Carmina na si Zoren Legaspi sa Apoy sa Langit. Silang dalawa ay gumanap noon bilang Stella at Cesar.
Napatigil si Lianne at nabigla, pero agad na humirit si Carmina, "Sa show! Sa show! Hindi pa ako tapos!"
PHOTO SOURCE: Sarap, 'Di Ba?
Nauwi sila sa tawanan pati na rin si Boobay na kasama nila sa cooking segment ng Sarap, 'Di Ba? Ayon pa kay Boobay, nakita niya rin ang pagkabigla ni Lianne sa tanong.
"Nagulat ako sa tanong, grabe po!" natatawang sagot ni Lianne.
Dahil sa pagkabigla ni Lianne ay nagpatuloy lang siya sa pagluluto at sabi ni Carmina, "Sagutin mo ang tanong ko."
Tugon ni Lianne, "Sa show?"
Natawa naman ang lahat nang sumagot si Carmina. Saad ng Sarap, 'Di Ba? host, "Sana! Dahil kung sa totoong buhay, ay naku! Baka mamaya ipa-guest na kita kay Boy Abunda."
Muling sabi ni Lianne, "Sa show po, opo."
Panoorin ang kanilang nakakatawang moment sa Sarap, 'Di Ba?
SAMANTALA, BALIKAN ANG GLAM PHOTOS NI LIANNE VALENTIN: