TV

'Let us try to be happy everyday' - Ms. Maricel Soriano


Nagsimula siya bilang child star, naging Regal baby, '80s dance icon, dramatic actress, 
at hanggang ngayon ay isa pa rin sa mga hinahangaang artista ng bawat henerasyon. 'Yan ang nag-iisang Diamond Star na si Ms. Maricel Soriano, na naging special guest ni Ms. Regine Velasquez-Alcasid sa Sarap Diva last Saturday, March 29.

Pagkatapos magkumustahan, pinag-usapan nina Songbird at Maria ang kani-kanilang mga buhay. Dahil parehong breadwinner, nagkasundo ang dalawa sa mga naging payo ng kanilang mga magulang.

"Doon ko napag-isip na, 'yung mga payo ng daddy ko sa akin, lalo silang nag-stick sa mind ko. Lalong naging klaro at naintindihan ko ng buong puso ang sinabi niya," kuwento ng Diamond Star.

Hindi naman naiwasan ni Maria na patawanin si Regine nang ibinahagi niya na hindi pa siya fully recovered sa pagpanaw ng kanyang ama na si Mang Gerry.

"It may sound very cliche, pero life is really very short. Kaya let us try to be happy everyday. Tigilan na ang mga away-away na 'yan. I-rollers niyo lahat ng mga buhok niyo! Tama na, husto na 'yan! Tumawa tayo nang tumawa (laughs)!"

Dagdag pa niya, mahirap talaga kapag nakasanayan mong nariyan ang mga magulang mo kapag may problema ka. "Lagi silang ready para bigyan tayo ng shoulder to lean on, kapag naiiyak tayo o nahihirapan tayo or feeling natin inaapi tayo. Actually, hindi natin feeling, inaapi kasi talaga tayo. Nakakainis ha!"

Kahit nang magpakita si Regine ng pang-throwback photos ni Maria ay pamilya pa rin ang naging topic nila. Maaalalang gumanap si Maricel bilang Shirley Puruntong sa sitcom na John en Marsha, kung saan naging ama niya ang late King of Comedy na si Dolphy. Nine years old lamang siya nang maging bahagi ng naturang programa.

"Produkto ako ng broken family. Pero kahit kailan hindi naging problema sa akin 'yung pakiramdam na 'yun kasi mayroon akong reel [family] na ang tawag ko ay real family. Ako ay anak ni John Puruntong, at hindi na mababago 'yun," pahayag niya.

Abangan ang pagbabalik-primetime ng Diamond Star, soon on GMA Telebabad. For updates on Ms. Maricel Soriano, keep on visiting GMANetwork.com. -- Text by Michelle Caligan, GMANetwork.com