TV

Fitness tips from Isabelle Daza and Julia Clarete


Isang healthy na umaga ang nangyari nitong nakaraang Sabado sa Sarap Diva dahil bumisita kay Regine Velasquez ang Eat Bulaga ladies na sina Isabelle Daza at Julia Clarete. Bukod sa kanilang ipinatikim na Fiesta Rice at Ginataang gabi with galunggong, binigyan rin nila ng tips ang mga manonood for a healthier body.

Julia’s exercise routine

Si Julia ay aminadong hindi nag-gym. Pero mayroon siyang isang form of exercise na kanyang kinakatuwaan. Nagba-bike si Julia from her house sa Balete Drive hanggang sa Broadway, ang studio ng Eat Bulaga.

Bukod sa pagba-bike, si Julia ay nagturo ng isang simpleng form of exercise na puwedeng gawin sa loob ng bahay. Kuwento ni Julia, effective na exercise ang pagbubunot.

“You're doing two things at the [same] time. You're losing weight and cleaning the house”.

Isabelle as a triathlete

Triathlon naman ang pinagkakaabalahan ni Isabelle. Kuwento ni Isabelle, “basically gumagawa ka ng tatlong discipline. It's swimming muna, and then biking, and then running after”.

Sobrang hirap umano ng triathlon lalo na’t ngayon na sobrang init ng panahon. Umitim umano siya dahil parati siyang nasa ilalim ng araw.

“Habang race, 'yun ang lagi kong iniisip. Parang why am I doing this again? I hate this,” natatawang pahayag ni Isabelle.

Sa triathlon, swimming raw ang pinakamahirap. “Kasi 'pag nag-start ka ng race, imagine 500 people sa ocean tapos when the gun starts lahat kayo mag-swimming. So parang mga isda in one net. So tinatamaan ka or sinisipa ka,” saad ng TV host.

Kuwento ni Isabelle, nagte-training siya for Ironman Triathlon in Kona. “I'm training for the Ironman sa Kona [in Hawaii]. It's a triathlon so 2 kilometers of swimming so that takes about 45 minutes. 90 kilometers of bike so that takes about 4 hours. That's not yet the icing on the cake, we have 21 kilometers of running, mga 7 hours ‘yun of non-stop working out!”

Stretching

Ayon kay Julia, dapat binibigyan ng importansya ang pag-stretching kahit na hindi ka sasabak sa isang exercise routine.

“Dapat bigyan niyo din ng importance ang spine ninyo. The best time to stretch before you exercise is right when you wake up. This holds true for my son and I”.

“One thing na hindi natin nagagawa ay 'yung mga stretches. That is very underrated, 'di binibigyan ng importansya,” dagdag ni Isabelle.

Exercise everyday

Para kay Isabelle, rewarding ang page-exercise. “Kailangan i-include natin ang exercise sa ating everyday lives kasi aside from keeping you fit, it makes you happy. It brings out endorphines and puwede kang kumain ng marami after kasi 'yun ang pinakareward na natin,” natatawang pagtatapos ni Isabelle.

Abangan kung sinong kapitbahay ang susunod na bibisita kay Regine Velasquez sa Sarap Diva.

-Text by Maine Aquino, Photo by , GMANetwork.com