TV

Regine hindi nakilala sa Boracay

By ANN CHARMAINE AQUINO

PHOTO BY ELISA AQUINO, GMANetwork.com


Hindi lang masarap na pagkain ang hatid ng Sarap Diva linggo-linggo, mga nakakatuwang kuwento din from Regine Velasquez at ang kanyang mga guest, ang mapapanood natin tuwing Sabado.

Sa latest episode nito, ibinahagi ni Regine ang isa sa mga memorable experiences niya sa show.  

Sa isang taping day nila daw sa Boracay, may lumapit umanong isang grupo ng bakasyonista kay Regine. Kuwento niya, "noong nag-taping kami sa Boracay sabi nila, 'can we take picture?'"

Dahil game naman daw si Regine, pumayag ito sa grupo. "Sabi ko, sure. Tapos pina-ikot kong ganoon [sa likod ko]," kuwento niya.

Natatawang dagdag niya, "[Tapos] ibinigay sa akin 'yung camera! Ako pala 'yung magpipicture!"

Ibinahagi rin ni Regine na ang grupong ito ay mga foreigners kaya marahil hindi siya nakilala. "Mga Korean sila, nakakatawa," pahayag ni Regine.