TV

'Medyo inis na nga ko' - Michelle van Eimeren on the issue about her friendship with Regine Velasquez

By ANN CHARMAINE AQUINO


Marami ang nagiisip kung gaano ka-sincere ang friendship nina Michelle van Eimeren at Regine Velasquez since pareho silang naging Mrs. Alcasid. Kaya't sa kauna-unahang pagkakataon, sinabi ni Michelle ang kanyang saloobin sa Sarap Diva.

Kuwento ni Michelle, "Kasi feeling natural [lang] naman sa akin e. At alam mo, meron [na] naman sasabihin about Regine na hindi kami totoong magkaibigan or whatever. Medyo inis na nga ako eh".

Para kay Michelle, si Regine ang kanyang tinuturing na bestfriend. Aniya, "talagang napakabait na tao niya e. She's tunay, napakabait sa lahat ng mga tao, at 'yung mga laging kasama sa nya, alam na 'yan eh. Pati 'yung mga fans niya alam na mabait siya. She would do anything to help people".

"Alam ko naman na lahat ng ibang tao dito hindi nila makita 'yun e. Pero its not my problem. If ayaw nila maniwala na close kami eh di problema niyo 'yun. Kasi, ako family ko to eh. She's very important to me and you know I like having her in my life," dagdag niya.

Dugtong pa ni Michelle masaya siya dahil sa kanilang friendship ni Regine, nakahanap siya ng taong makakaintindi sa kanya dahil pareho sila ng mga pinagdadaanan.

Dagdag ni Michelle, iba na ang pagmamahal na ibinibigay niya para kay Ogie kaya hindi na issue sa kanila kung parehong naging parte si Ogie sa buhay nila ni Regine.

"So what if we both loved the same guy at different times in our lives? We're the same kind of person, were both interested in art, were both medyo crazy. Ngayon when I look at Ogie he's like a brother to me. I really love him but as a brother."

Ayon kay Michelle, ang kanyang husband na si Mark Murrow ang lalaki na para sa kanya. Aniya, "I'm in love with my husband. He's the sweetest man and he's really bagay for me. I have no reason to feel anything. I'm happy for Regine, I'm happy for Ogie, and I love that little boy. My two girls, they have this gorgeous little brother. Napaka-important sa akin [na] masaya 'yung mga anak namin".