TV

Plus-size chikahan with Ryan Yllana and Cai Cortez sa 'Sarap Diva'

By ANN CHARMAINE AQUINO



Isang extra fun na chikahan ang inihandog ni Regine Velasquez kasama sina Ryan Yllana at Cai Cortez sa Sarap Diva. Dito ibinahagi ng dalawa ang kanilang mga experiences at saloobin bilang mga plus-sized celebrities.

Para kay Cai, ang "big comments" ay naririnig niya regularly. Aniya, "actually ang mas naririnig ko alam mo, kahit mataba ka, ang ganda ng mukha mo. Parang feeling nila compliment 'yun na minsan ay, hindi ba puwedeng maging maganda porket ganito ang katawan. I just take it in such a way na they don't know any better. Mas alam ko 'yung sarili ko at hindi ako papaapekto or ma-hurt".

Inamin naman ni Ryan na athlete siya noong siya ay highschool pa lamang.

Pahayag niya, "Actually I'm into sports when I was in high school. Varsity player ako, naka six-pack [abs] ako. Pero when I tried out sa La Salle, ayun na. Doon na naguho ang mundo ko. Hindi ako nag-qualify so medyo dinamdam ko kasi basketball noon 'yung heart and soul ko. Passion ko talaga".

Nagsimula umano mag-gain si Ryan nang siya ay nag-vent out through eating.

Marami man umanong negative comments because of their weight, may advantage pa rin daw ito para sa kanila, like sa kanilang mga showbiz careers.

Kuwento ni Cai, "Ang advice sa akin ng manager ko, don't! Kasi mawawalan ka ng trabaho. Baligtad 'di ba sa usual star? Kasi kilala ako as Cai Cortez, ganito. Not that I don't need to lose weight because I do, I am overweight. But at the same time, masaya pa naman ako e. Wala pa naman akong problema sa health. Like normal ang sugar ko, ang cholesterol ko. So, I don't feel the need to kill myself not eating for days and breaking my knees exercising. So not yet".

Dagdag naman ni Ryan, hindi naman ibig sabihin na kapag payat ka, healthy na ang iyong pangangatawan.

"It's not about the weight anymore. It's about health reasons. So again, hindi natin puwede i-deny na the bigger you are the healthier you'll get [and the other way around]," pahayag ni Ryan.