TV

Regine's fashion evolution

By ANN CHARMAINE AQUINO

Last Saturday, ibinahagi ni Regine Velasquez ang kanyang naging fashion evolution sa mundo ng TV simula ng kanyang career noong 80's hanggang ngayon kung saan bukod sa pagiging TV and music star, isa na rin siyang doting mom kay Baby Nate.



Kuwento ni Regine, 80's naging controversial ang kanyang hairstyle. Aniya, "'Yun naman ang uso noon. Actually, 'yung madami pa akong hair, nag-umpisa ako na ganyan muna, maraming hair. Tapos pinagusapan siya during that time kasi hindi uso 'yung short hair. Uso yung mga long hair".

Noong 90's, naging busy ang kanyang schedule sa pag-promote around Asia. Dito rin umano niya tinuloy ang kanyang major hair transformation.



Pahayag niya, "during the 90's short hair na talaga ako. Ito rin 'yun kasi 'yung time na nagpupunta ako ng Asia to promote my album."

Ibinahagi rin ng Asia's Songbird na sa 90's niya ipinush ang kanyang rebel chick na fashion peg.

"Wala [akong international fashion inspirations noon]. Kasi ako noon, siyempre noong nagpupunta ako ng Hong Kong, nakikita ko 'yung fashion nila doon. Rebel chick, kasi 'yun 'yung type ko. Medyo edgy ng konti 'yung fashion ko."



Sa year 2000 nagsimula ang kanyang provocative sartorial choices. Ano kaya ang sinabi ng kanyang fans patungkol dito?

“Hindi sanay na sila. Ang nashock na lang nanay ko,” natatawang pahayag ni Regine.

Dagdag niya, “kasi even my father, before, sabi niya pa sa akin kapag nagsusuot ako ng mini skirt, 'anak, hindi mini skirt yan. Ang mini skirt talagang maikli'. Kasi ganoon si Papa, very liberal when it comes to fashion. Cool na cool 'yung si Mang Gerry.”



By the year 2014 hanggang ngayon sa taong 2015, nagbagong muli ang kanyang choice of clothes.

“Siyempre mas iba na 'yung fashion ko ngayon. Well first of all, I'm older now. Ayoko naman na maki-trendy, ang weird na rin naman. Plus, I have a different body shape now. So, na-accept ko na ‘yun. Acceptance is the key,” natatawang kuwento ng Asia’s songbird.