TV

Aiai Delas Alas, hanga sa pagpapalaki ni Regine Velasquez-Alcasid kay Nate

By ANN CHARMAINE AQUINO

Sa Sarap Diva ibinahagi ng cousin-in-law ni Regine Velasquez-Alcasid na si Aiai Delas Alas ang kanyang pagkagiliw sa kanyang inaanak na si Nate.

"Cute na cute!"

Dagdag ng Comedy Queen, "Alam mo nakakatuwa kasi maganda 'yun na talagang nagba-bonding sila. At 'yan 'yung formative years ni Nate. So 'yan talaga 'yung kailangan eh nakatutok din si Ate [Regine]. Masaya 'yun kasi parati niyang kasama si Nate."

 

 

 


Ikinatuwa rin ni Aiai na hands on mommy si Regine kay Nate kaya lumalaki itong mabait na bata. Aniya, "Tignan mo si Nate ang bait -bait na bata. Tapos, parating ang bubbly niya, ang saya saya niyang bata. So napakaimportante nung nagbo-bonding sila."

Ibinahagi rin ni Aiai na gagampanan niyang maigi ang responsibilidad niya bilang Ninang ni Nate.

"Ang ninang kasi kinukuha sila para maging second parent. So ako 'yun. Hindi man ako kasing yaman ng Ate [Regine], at least 'di ba 'pag lumaki si Nate at kailangan niya ako, andiyan lang ako parati para sa kanya."