TV

Regine Velasquez-Alcasid to launch 'Bongga sa Kusina' cookbook on July 17

By ANN CHARMAINE AQUINO

Pormal nang ibinahagi ni Regine Velasquez-Alcasid ang kanyang bagong proyekto para sa Sarap Diva. Ito ay ang kanyang cookbook na Bongga sa Kusina.

 

Kuwento ni Regine ito ay ang kanilang proyekto ng Sarap Diva at ni Chef Jonah Trinidad, "Kasama ko dito ang aming chef, Chef Jonah. Siya po ang katrabaho ko dito sa librong ito."    

"Ang Bongga sa Kusina ay lahat po ng, well hindi naman po lahat. Pero karamihan po ng mga niluto namin dito sa Sarap Diva. Baka interesado kayo sa mga recipes, so we came out with a cookbook."

Bukod sa recipes na inihanda ng Sarap Diva, ilang celebrities rin ang nakibahagi sa Bongga sa Kusina. Kaya naman pinasalamatan ng Cooking Diva ang ilang stars na nag-share ng kanilang personal favorites.

"Nagpapasalamat po ako sa mga celebrities na nag-share ng kanilang mga recipes dito sa aming cookbook na Bongga sa Kusina. Maraming maraming salamat po sa mga celebrities na pumayag ilagay 'yung kanilang mga recipes sa book."

Ang Bongga sa Kusina ay magkakaroon ng book launch sa Eastwood Mall Atrium on July 17 (Sunday), from 1 pm to 6 pm.

More on Regine Velasquez-Alcasid:

How will Regine Velasquez celebrate her 30th anniversary in showbiz?

Regine Velasquez-Alcasid, magbibigay ng regalo mula sa kanyang kusina