TV

WATCH: Camille Prats, nag-Princess Sarah kasama ang asawa niyang si VJ Yambao sa 'Sarap Diva'

By ANN CHARMAINE AQUINO

Tila throwback ang naging episode nitong Sabado, March 25, sa Sarap Diva dahil ni-reenact ni Camille Prats ang isa sa kanyang iconic roles na si Princess Sarah. Kasama rin ni Camille sa masayang episode na ito ang kanyang husband na si VJ Yambao.

IN PHOTOS: Love and second chances with Camille Prats and VJ Yambao

Ang sentro ng pag-uusap nina Regine at Camille ay ang kanilang love story ni VJ. Dito ibinahagi ni Camille kung paano nagsimula ang kanyang kuwento sa kanyang ikalawang pagkakataon para umibig.


Ilang challenges rin ang dinaanan ng dalawa sa Sarap Diva. Si VJ ay sumabak sa aktingan tungkol sa stages of pregnancy. Magkasama naman sina Camille at VJ na dumaan sa pillow war.


Hindi magtatapos ang Princess Sarah visit ni Camille kung walang patatas kaya naman itinuro niya ang Potato Cake with Marinara sauce recipe.


Mas masayang kainan, kantahan at kuwentuhan ang dapat pakaabangan tuwing Sabado sa Sarap Diva.

MORE ON 'SARAP DIVA':

LOOK: Camille Prats at VJ Yambao, nagkapikunan?

WATCH: Carla Abellana, umaming napag-uusapan na ang future with Tom Rodriguez