TV

LOOK: Super Tekla, may aaminin ngayong Sabado sa 'Sarap Diva'

By Maine Aquino
May pasabog ang Sarap Diva at si Super Tekla ngayong Sabado, July 15.


Ngayong July 15 ay ihahayag ni Tekla ang kanyang saloobin sa kanyang biglang pagkawala.

Ayon sa Facebook page ng weekend program ni Regine Velasquez-Alcasid, "Alamin ang dahilan ng pagkawala ni Super Tekla sa eksklusibong panayam sa kanya ni Asia's Songbird & Cooking Diva Regine Velasquez-Alcasid. Abangan!"

Bukod kay Tekla ay bibisita rin ang mga bida ng Haplos na sina Sanya Lopez at Rocco Nacino kasama ang kanilang mga kapatid na sina Jak Roberto at Kyle Nacino. Ano ang mga mabubuking ni Regine sa kanila?

Abangan ang lahat ng ito this Saturday at 10:30 a.m.

Photo by: abnerdominguez_atelier (IG)