TV

LOOK: Regine Velasquez-Alcasid, dadalaw sa tahanan nina Marc at Danica Pingris

By Maine Aquino
Ngayong Sabado, isang celebrity home ang bibisitahin ni Regine Velasquez-Alcasid. 


Ang Sarap Diva episode ngayong August 19 ay iikot sa buhay pag-ibig at pamilya nina Danica Sotto-Pingris at Marc Pingris. Ano kaya ang kanilang mga ibabahagi sa ating Cooking Diva?

Sina Tetay at Boobay naman ay may mga sarili ring adventures na ibabahagi.


Panoorin ang lahat ng ito ngayong Sabado, 10:30 a.m.