TV

SNEAK PEEK: Ang sorpresang pagbisita nina Alden Richards at Maine Mendoza para sa kaarawan ni Mommy Teresita Velasquez sa 'Sarap Diva'

By Maine Aquino

Ngayong Sabado, September 30, ay mapapanood na natin ang sorpresang pagbisita nina Alden Richards at Maine Mendoza sa ina ni Regine Velasquez-Alcasid.

READ: Ina ni Regine Velasquez-Alcasid, nag-birthday kasama ang AlDub

Ang sorpresang ito ay inihanda ng Sarap Diva para sa birthday special ni Mommy Teresita Velasquez o mas kilala bilang Mommy V. Kitang-kita ang saya ni Mommy V nang kanyang nakaharap sina Alden at Maine sa kanyang birthday celebration sa show.

 

"Dahil birthday ni Mommy V, ang phenomenal loveteam na kapitbahay ni Asia's Songbird & Cooking Diva @reginevalcasid na sina @aldenrichards02 at @mainedcm, kasama sa maSARAP na birthday sorpresa ng @sarapdiva! Abangan sa Sabado!"

 

Panoorin ang masayang birthday celebration na ito ngayong Sabado, 10:30 a.m.