TV

LOOK: Kuwentong Regine Velasquez-Alcasid, ibabahagi sa 'Sarap Diva'

By Maine Aquino

Maraming revelation ang magaganap sa Sarap Diva ngayong Sabado, October 28 tungkol kay Regine Velasquez-Alcasid.

Ang mga kapatid ni Regine na sina Cacai Velasquez-Mitra, Diane Velasquez-Roque at Deca Velasquez-Pineda ay may handang "kuwentong Regine" na ilalahad ni Gil Cuerva at Sheena Halili kasama sina Divine at Verna.

Ngayong Sabado ay Sarap Diva din ang bahala sa mga nabitin sa ginanap na 'R3.0' concert ni Regine.


Panoorin ang lahat ng ito ngayong Sabado, 10:30 a.m.