TV

Regine Velasquez-Alcasid receives platinum award for 'R3.0'

By Maine Aquino

Sa loob lamang ng anim na linggo ay naka-Platinum Award na si Regine Velasquez-Alcasid para sa kanyang album na 'R3.0.'

Ang award na ito ay ibinigay nina MG Mozo, EVP Viva Records at Civ Fontanilla, A&R sa kanyang weekend morning show na Sarap Diva nitong December 16. 

Ani ni Regine, “Wow! I'm so happy."

 

Pinasalamatan rin ni Regine ang kanyang mga nakatulong sa pagbuo ng kanyang album.  Pahayag ng Asia's Songbird, “Thank you, maraming maraming salamat siyempre sa Viva, sa aking Viva family… Pinaghirapan nating gawin ito. Salamat sa mga nakasama ko sa lahat ng arrangers, kasama na si Raul (Mitra) diyan."

Congratulations, Regine!