TV

LOOK: Troy Montero at Aubrey Miles, may pa-fitness Saturday sa 'Sarap Diva'

By Maine Aquino

Summer na fit and fabulous ang ating mapapanood ngayong June 30 sa Sarap Diva.

Makakasama ni Regine Velasquez-Alcasid ang sexy celebrity couple na sina Aubrey Miles at Troy Montero para ituro ang ilan sa kanilang mga workout routines na perfect para sa mga gustong maka-achieve ng summer-ready bodies. Makakasama rin nila ang kanilang anak na si Hunter.

 

 

A post shared by SarapDiva (@sarapdiva)

 

Hindi naman nagpakabog sina Inday at Tetay sa pagsabak sa mga routines.

 

Para ma-achieve ang inyong sexy summer goals, panoorin ang episode na ito sa Sarap Diva ngayong Sabado, 10:30 a.m.