TV

LOOK: DonEkla, may reunion sa 'Sarap Diva'

By Maine Aquino

#InsTawanan weekend ang hatid sa inyo ni Regine Velasquez-Alcasid ngayong Sabado sa Sarap Diva dahil sa kanyang mga wacky visitors.

Muling mapapanood ang tambalan nina Donita Nose at Super Tekla o mas kilala bilang DonEkla ngayong March 17. Ayon sa Sarap Diva, "Ang DonEkla unang makikitang magkasamang muli sa SARAP DIVA!"


Bukod sa tawanan ay may baon ding performance ang funny duo.


"Rehearsal pa lang with Sir @raulmitra performance level na sina @iamsuperteklah at @donitanose aka DonEkla! Makikita silang magkasamang muli sa @sarapdiva sa Sabado!"

Abangan ang lahat ng ito sa Sabado at 10:30 a.m.