TV

LOOK: Regine Velasquez-Alcasid and Lani Misalucha's kantahan at kuwentuhan sa 'Sarap Diva'

By Maine Aquino

Mapupuno ng magagandang tinig ang inyong Sabado ng umaga sa Sarap Diva.

Ngayong August 11 ay bibisitahin ni Lani Misalucha si Regine Velasquez-Alcasid sa Sarap Diva para sa isang masayang kantahan at kuwentuhan. Ipinasilip ng weekend show ng Asia's Songbird ang kaabang-abang nilang pag-awit ng Asia's Nightingale ngayong Sabado.

Makakasama rin ni Regine sina Clash-mate Andre Paras, Tetay at Tammy Brown.

Abangan ang lahat ng ito sa August 11, 10:30 a.m.