TV

WATCH: Regine Velasquez-Alcasid at ilang Kapuso stars, nagbigay ng payo para sa mga kabataan na nakakaranas ng depresyon

By Maine Aquino

Sina Jo Berry, Kate Valdez, at Juancho Trivino ay nagbigay ng kani-kanilang mga payo sa ilang mga kabataan na nakakaramdam ng depresyon.

Ang talakayang ito ay sinimulan ni Regine Velasquez-Alcasid sa Sarap Diva para magbigay tulong sa ilang mga kabataan. Kasama niyang nagbigay ng payo ay ang kanyang musical director na si Raul Mitra.

Ani ni Regine, "For me depression is real. It is very real kahit feeling mo kasing laki ng mundo 'yung problema mo, may solusyon 'yun and it will have an end. So suicide is never the answer for something that is temporary."

Panoorin ang kanilang mga payo at mensahe para sa mga kabataang dumaranas ng depresyon.