TV

WATCH: Heart Evangelista, ibinahagi ang reaksiyon ni Chiz Escudero nang mawala ang kanilang baby

By Marah Ruiz

Matipid kung sumagot si Kapuso actress Heart Evangelista kapag natatanong tungkol sa mabigat na pinagdaanan nila ng kanyang asawang si Senator Chiz Escudero.

Pero nagbahagi siya ng ilang detalye tungkol dito sa kanyang pagbisita kay Asia's Songbird Regine Velasquez sa programang Sarap Diva.

Kamakailan kasi, nalaman nilang wala ng heartbeat ang ipinagbubuntis ni Heart. Dobleng dagok ito para sa mag-asawa dahil kambal sana ang magiging anak nila, pero nauna nang nawala ang isa dito.

"He was so happy that I was finally pregnant. In fact, kaya ako naiyak when I found out that I lost the baby kasi noong sinabi ng doctor na wala 'yung heartbeat ng baby, nabitawan niya 'yung phone niya kasi nabigla siya," kuwento ni Heart.

Ikinagulat daw ito ni Heart dahil kilala niya ang asawa bilang isang 'strong' na tao.

"So lalo akong naiyak kasi for somebody who is so strong, parang nakita ko nag-peek konti 'yung kanyang emotion," aniya.

Nananatili namang positibo si Heart pati na ang kanyang asawa.

"I like to think that we are so much better now. I know na it's gonna be good," pahayag niya.

Panoorin ang pagbisita ni Heart sa Sarap Diva: