TV

Heart Evangelista reveals why she's thankful for being labelled as maarte

By Maine Aquino

Inamin ni Heart Evangelista na ilang beses siyang tinawag ng maarte ng ilang tao na nakatrabaho niya sa showbiz. Ngunit isa umano ito sa mga bagay na ipinagpapasalamat ngayon.

Kuwento ni Heart sa Sarap Diva, “A little trivia from me, ako dati sinasabi nilang lahat na "Ang arte arte mo. Alam mo ang arte arte mo, wala ka namang ginawa kung hindi mag-arte." But you know what, 'yung kaartehan ko I feel is the thing that brought me to where I am.”

Naniniwala si Heart na ibinigay ni God ang lahat ng kanyang nakakamit dahil ito ay kanyang pinangarap. Mula sa pagiging host, actress, painter at author ay isa na ring fashion influencer ngayon si Heart na iniimbita sa mga Fashion Week events sa iba't-ibang bahagi ng mundo.

“There's something that God will give you that it will be for you," ani ni Heart.

Kung may isang bagay umano na dapat tandaan si Heart ito ay ang maging mabuting tao kahit malayo pa ang marating nito sa buhay. Paliwanag niya, “Basta mabuting tao, laban!”