TV

Julie Anne San Jose, nakatanggap ng offer na mag-pose sa isang men's magazine

By Maine Aquino

Napaamin si Julie Anne San Jose na nakakatanggap siya ng offer na mag-pose para sa isang men's magazine.

Ito ay kanyang ibinahagi nang siya ay bumisita sa Sarap Diva nitong October 6. Una nilang pinag-usapan ang trending photos ni Rita Daniela sa isang men's magazine. Sunod na itinanong ni Regine Velasquez-Alcasid ang posibilidad na makita rin si Julie sa isang sexy shoot.

Pag-amin ni Julie, "Actually meron po talaga. But ayaw ko po muna siya isipin for now kasi focused po ako sa ibang bagay."

Sa ngayon ay priority umano ni Julie ang ibang projects. Aniya, "Focused po ako ngayon sa music and right now I'm doing another show."

Magiging parte si Julie ng bagong Kapuso show na Studio 7.